www.sanrokan.com/newsanrokan/frontpage/blogs.asp?blogge -
[Cached Version]
Last Visited: 10/12/2009
Ayon sa artikulong Bukod-Tanging Pinoy ni Pastor Ed Lapiz, mayroong 55 wika at 172 dayalekto sa Pilipinas.
Tatlo sa mga ito ay matatagpuan sa Romblon Asi, na sinasalita sa Banton, Corcuera, Concepcion, Odiongan at Calatrava; Romblomanon, na laganap naman sa bayan ng Romblon, San Agustin, Magdiwang, Cajidiocan at San Fernando; at Unhan, na popular sa Looc, Ferrol, San Andres, Santa Maria, Alcantara, Santa Fe at San Jose.
Ang tatlong nabanggit ang talagang mga tawag sa mga wikang ito na minsan ding tinatawag na Bantoanon, Sibuyanhon at Loocnon na tumutukoy lamang sa lugar na pinanggalingan ng nagsasalita.
Kung papansinin, mas nakararami ang nagsasalita ng wikang Unhan dahil San Jose at anim na bayan ng Tablas ang sakop nito.
Hindi lamang ito mga dayalekto kundi mga tunay na wikang may sariling kakanyahan.